Posted by Dennis C. Glorioso
Noon ko pa gustong i-try gawin at lutuin itong entry ko for today. Ang Crispy Pork Adobo Flakes. Marami na rin kasi akong nabasa na magandang review sa dish na ito. Pwede ding chicken ang gamitin pero komo pork ang available sa fridge ko nang maisipan kong gawin ito, yun na lang ang ginamit ko.
Ang maganda sa dish na ito, pwede itong gawing appetizer, pulutan at kahit pang-ulam. Sinamahan ko din ng green mango strips at talaga namang mas lalong sumarap ang adobo flakes na ito. Naghahalo kasi yung alat ng adobo at asim ng mangga. The best para sa akin ito.
CRISPY PORK ADOBO FLAKES with GREEN MANGO STRIPS
Mga Sangkap:
1 kilo whole Pork Kasim or Pigue
1 cup Vinegar
1 cup Soy Sauce
1 head minced Garlic
1 tsp. ground Black pepper
2 pcs. Dried laurel Leaves
1 tsp. Brown Sugar
1 tsp. Cornstarch
1 pc. Green Mango (cut into strips)
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola ilagay ang lahat ng sangkap maliban sa green mango at cornstarch. Pakuluan hanggang sa lumambot ang karne. Maaaring lagyan pa ng tubig kapag kinulang ito at hindi pa malambot ang karne.
2. Kung malambot na ang karne, hanguin ito at palamigin muna.
3. Gamit ang dalawang tinidor o kahit kamay na lang, himayin (i-flake) ang karneng inadobo into strips.
4. Sa isang non-stick na kawali, i-tusta o i-prito ang adobo flakes ng walang mantika hanggang sa maging crispy. Halu-haluin lang para hindi masunog at maging even ang pagka-crispy ng lahat ng adobo flakes.
5. For the sauce, lagyan ng tinunaw na cornstarch ang pinaglagaan o ang sauce ng adobo at isalang muli sa kalan. Halu-haluin hanggang sa lumapot ang sauce. Tikman at i-adjust ang lasa.
6. To assemble, ilagay ang adobo flakes sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang hiniwang mango strips. Ilagay sa isang bowl ang ginawang adobo sauce at ilagay sa tabi ng adobo flakes.
Ihain ito habang bagong luto at mainit-init pa.
Enjoy!!!
0 comments
Post a Comment