Posted by Dennis C. Glorioso
Paborito nating mga Pilipino ang silog sa ating mga agahan. Natatandaan ko pa nung mga early 80's na
nauso ang mga tapsilog sa lahat halos ng mga kanto dito sa Pilipinas. Mapa-umaga man, tanghali o gabi ay ito ang pabiriotong kainin ng mga pinoy. Kahit naman ngayon. Kahit nga ang mga sikat na fastfood chain mayroon silang mga ganitong pagkain na inihahanda.
Silog is short for sinangag at itlog. Yung unang pantig ay depende kung anong ulam ang gusto mo. Tap for beef tapa. Toci for tocino. Bang for bangus. Hot for hotdog. At marami pang iba.
Hindi na siguro mawawala sa ating mga carinderia at mga kainan ang mga silog na ito na minahal na ng maraming Pilipino sa mahaba na ring panahon.
TAP-SI-LOG (TAPA, SINANGAG AT ITLOG)
Mga Sangkap:
6 cups Cooked Rice (mainam yung long grain. Ilagay muna ng overnight sa fridge bago isangag)
1/2 kilo Beef thinly sliced
6 pcs. Egg
1 head minced Garlic
4 tbsp. Vinegar
Salt and pepper to taste
Cooking oil
brown sugar (kung gusto ninyong medyo manamis-namis ang inyong tapa)
Maggie Magic Sarap (optional)
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang bowl, i-marinade ang karne ng baka sa asin, paminta, suka at bawang. Kung gusto ninyong manamis-namin ang inyong tapa, isama na rin ang brown sugar. I-marinade ito ng overnight o higit pa.
2. Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang itlog sa mantika sunny side up o buo ang pula. Hanguin sa isang lalagyan.
3. Sa parehong kawali, i-prito ang minarinade na tapa hanggang sa maluto. Hanguin muna sa isang lalagyan.
4. Sa parehong kawali, dagdagan ng kaunti pang mantika at i-prito ang bawang hanggang sa mag-golden brown ang kulay.
5. Ilagay na ang kanin at timplahan ng asin at maggie magic sarap. Halu-haluin.
Ihain ang tapa, sinangag at itlog sa isang plato at samahan na din ng sawsawang suka na may kaunting bawang, asin at sili.
Enjoy!!!!
0 comments
Post a Comment