Posted by Dennis C. Glorioso
Masarap pa rin talaga ang mga luto na simple lang at walang masyadong mga rekado. Kung baga hindi naghahalo-halo yung mga pampalasa at mga flavors at lutang pa rin yung lasa ng pangunahing sangkap.
Kagaya nitong entry ko for today. Ito yung recipe ng pork barbeque na nakagisnan ko nung bata pa ako. Napaka-simple ng mga sangkap at madali lang lutuin.
OLD FASHIONED PORK BARBEQUE
Mga Sangkap:
1 kilo Pork Kasim or Pigue (sliced and cut into bite size pieces)
Barbeque sticks (ibabad sa tubig bago gamitin)
Juice from 10 pcs. Calamansi
12 oz. 7up or Sprite
2 heads Minced Garlic
1 cup Soy Sauce
1 tsp. ground Black Pepper
1 tbsp. Brown Sugar
1 cup Banana Catsup
Salt to taste
Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang karne ng baboy sa 7Up o Sprite, katas ng calamansi, toyo, bawang, paminta, brown sugar at konting asin. I-marinade ito ng overnight o higit pa.
2. Tuhugin ang minarinade na karne. Unang tuhugin yung taba at saka isunod ang mga laman. Kayo na ang bahala kung gaano karami o kalaki ang gusto ninyong barbeque.
3. Paghaluin ang pinagbabaran ng karne at banana catsup.
4. I-ihaw ang tinuhog na karne hanggang sa maluto. Pahiran ng pinaghalong marinade mix at catsup ang barbeque from time to time.
Ihain na may kasamang sawsawan na toyo na may calamansi at sili.
Enjoy!!!!
0 comments
Post a Comment